Maraming paraan para makakuha ng tulong sa korte. Ang Legal Aid NSW ay nagpapadala ng mga duty lawyer sa lahat ng lokal na korte at marami pang ibang korte at tribunal sa buong NSW. Ang mga duty lawyer ay tumutulong sa mga taong may kaso sa korte na walang sariling abogado sa araw na iyon.
Ang mga duty lawyer ay nagtatrabaho para sa Legal Aid NSW o sa mga pribadong abogado na binabayaran ng Legal Aid NSW para tulungan ka. Maaari mong tingnan kung saan available ang mga ito sa aming Help at NSW courts and tribunals (Tulong sa mga korte at tribunal ng NSW) webpage.
Pinakamainam na kumuha ng legal na tulong bago ka pumunta sa korte. Tawagan ang aming team sa LawAccess NSW sa 1300 888 539 o i-click ang button para makipag-chat sa amin para makausap ang team sa webchat.
Tulong sa mga lokal na korte sa Bankstown, Blacktown, Penrith, Mount Druitt at Sutherland Mayroon ka bang kasong kriminal sa:
May madaling paraan para humingi ng legal na tulong mula sa isang duty lawyer – punan lang ang aming online form. Mabilis at madaling gamitin ang form at maisusumite anumang oras. Kapag naisumite na, tatawagan kang muli ng isang miyembro ng kawani ng Legal Aid NSW. Kung hindi mo alam ang iyong H number, ilagay ang H0000 pagkatapos ng prompt. Ang form ay maaari lamang gamitin para sa mga korteng nakalista sa itaas. |
Maaaring lumapit ang sinuman sa isang duty lawyer para sa limitadong tulong sa araw ng kanilang kaso sa korte.
Kung ang iyong kaso ay mas kumplikado, ang duty lawyer ay maaaring makatulong sa iyo na humiling ng isang pagpapaliban (adjournment). Ipagpapaliban nito ang iyong kaso hanggang sa susunod na petsa para makakuha ka ng legal na payo o representasyon. Maaari mong malaman ang higit pa sa aming webpage para sa Legal na payo.
May mga limitasyon sa kung ano ang magagawa ng duty lawyer para sa iyo. Ang isang duty lawyer ay maaaring:
Sa mga usaping batas pampamilya, maaari ka ring matulungan ng mga duty lawyer sa mga agarang problema sa batas pampamilya - tulad ng kung hindi ibinalik ng iyong ex ang iyong anak o nagbabantang dadalhin siya sa ibang bansa.
Sa isang usaping kriminal, hindi ka nila maaaring katawanin sa korte kung nag-plead ka na ‘not guilty’ at ang iyong kaso ay nakalista para sa pagdinig sa araw na iyon.
Ang pagdinig ay kapag ang mga saksi ay pumunta sa korte upang pag-usapan ang nangyari at isinasaalang-alang ng mahistrado o hukom ang mga argumento na magmumula sa magkabilang abogado.
Kung kailangan mo ng tulong o gusto mong may magsalita para sa iyo sa isang pagdinig, kailangan mong makipag-usap sa isang abogado mula sa Legal Aid NSW o isang abogado na gumagawa ng legal na tulong bago ang petsa ng iyong pagdinig. Maaari mong malaman ang higit pa tungkol dito sa aming Legal advice webpage.
Mayroon kaming mga duty lawyer sa lahat ng lokal na korte sa NSW, sa lahat ng lugar ng korte ng batas pampamilya kapag ang hukuman ay doon itinalaga at sa maraming iba pang korte at tribunal sa buong NSW.
Maaari mong tingnan kung makakakuha ng tulong sa inyong lugar sa aming Help at NSW courts and tribunals (Tulong sa mga korte at tribunal ng NSW) webpage.
Ang pagkonsulta sa isang duty lawyer at pagkuha ng tulong sa araw na iyon ay libre.
Kung patuloy kang kukuha ng tulong, kakailanganin mong maging karapat-dapat para sa legal na tulong at kailangang magbayad ng kontribusyon para sa halaga ng iyong kaso.
Ang halaga na kailangan mong bayaran ay nakadepende sa halaga ng iyong kinikita at pag-aari.
Sa mga usapin sa batas pang-kriminal hindi mo kailangang maging karapat-dapat para sa legal na tulong kung ang duty lawyer ay nagbibigay lamang sa iyo ng payo, o kung ito ang iyong unang pagharap at ikaw ay nasa kustodiya. Kung kinakatawan ka ng duty lawyer sa korte, sa pangkalahatan ay kailangan mong maging karapat-dapat para sa legal na tulong.
Sa mga usapin sa batas pampamilya hindi mo kailangang maging karapat-dapat para sa legal na tulong upang makakuha ng tulong mula sa isang duty lawyer o sa mga social support service sa korte.
Minsan mahirap intindihin ang mga salitang may kaugnayan sa batas. Kung hindi Ingles ang iyong unang wika o kung mas gusto mong makipag-usap sa Auslan, maaaring nais mong tulungan ka ng isang interpreter sa korte.
Sa karamihan ng mga kaso ang korte ang magbabayad para sa isang interpreter, at dapat kang makipag-ugnayan sa kanila upang makapagtalaga sila ng isang interpreter sa lalong madaling panahon.
Kung mapagpasyahan ng korte na kailangan ang isang interpreter, maaaring kailangang ipagpaliban ang kaso sa ibang araw.
Kung kailangan mo ng isang interpreter o iba pang tulong sa komunikasyon para makipag-ugnay sa amin, tingnan ang mga opsyon sa aming webpage na Contact us (Makipag-ugnayan sa amin).
Kung pupunta ka sa korte, dapat mong:
Kung mayroon kang mga alalahanin tungkol sa iyong kaligtasan sa korte, dapat kang makipag-ugnayan sa korte bago ang petsa ng pagharap mo sa korte upang talakayin ang iyong mga alalahanin, makipag-usap sa security sa pagpasok mo sa gusali ng korte o gamitin ang mga detalye sa aming Contact us webpage upang makipag-usap sa amin bago ka pumunta sa korte.
Maaaring hindi matapos ng duty lawyer ang iyong kaso sa araw ng pagharap mo sa korte. Kung ang iyong kaso ay mas kumplikado, ang duty lawyer ay maaaring makatulong sa iyo na humiling ng isang adjournment (ipagpaliban ang iyong kaso sa ibang araw) upang magkaroon ka ng pagkakataong makakuha ng legal na payo o representasyon.
Kung kailangan mo ng karagdagang legal na tulong, ang mga duty lawyer mula sa Legal Aid NSW ay maaaring patuloy na tumulong sa iyo na mag-aplay para sa legal na tulong upang may abogadong hahawak ng iyong kaso. Maaari kang magbasa nang higit pa sa aming webpage na Appy for legal aid (Mag-aplay para sa legal na tulong). Maaari ka rin naming isangguni sa iba pang mga serbisyong makakatulong.
Ang mga taong Aboriginal at Torres Strait Islander ay makakakuha ng tulong sa korte mula sa mga duty lawyer ng Legal Aid NSW o mga abogado mula sa Aboriginal Legal Service (NSW/ACT).
Kung ikaw ay wala pang 18 taong gulang at kailangan ng tulong sa korte, tawagan ang Youth Hotline sa 1800 10 18 10.
Matatawagan ang hotline mula 9am hanggang hatinggabi mula Lunes hanggang Huwebes, na may 24 na oras na serbisyo mula Biyernes 9am hanggang Linggo ng hatinggabi at gayundin sa mga araw na pista opisyal.
Ang Women's Domestic Violence Court Advocacy Services ay tumutulong sa mga kababaihan at mga bata na nakakaranas ng karahasan sa tahanan sa maraming lokal na korte sa NSW.
Ang mga suportang manggagawa (support workers) para sa kababaihan at kalalakihan mula sa Family Advocacy and Support Services ay makukuha upang tulungan ang mga pamilyang naapektuhan ng karahasan sa tahanan sa mga korte ng batas pampamilya.
Ang mga manggagawa para sa mga kabataan (youth workers) mula sa Children's Court Assistance Scheme ay tumutulong sa mga kabataan na humaharap sa Children's Court (Korteng Pambata).
Share with
Facebook
Twitter
LinkedIn